Ivana Alawi Rejects Date her on his Private Jet

  • Whatsapp
Ivana Alawi Rejects Date her on his Private Jet

Ivana Alawi rejects rich stranger who desires to date her on his private jet!

Ivana Alawi, 23, will never forget one of her rich lovers who owns a private jet. The unnamed man is Ivana’s ardent follower on Instagram, and she often sends direct messages to him.

The man allegedly invited her to date in Japan when he saw in Ivana’s Instagram post that she wanted to eat Japanese food.

Read More

“I feel like I’m craving I posted on Instagram. She has been DMing on Instagram for a long time, ”Ivana said in her YouTube vlog on June 13.

ALSO READ: Life of Herlene Budol aka Hipon Girl has been Elevated Today

“Parang nagki-crave ako nag-post ako sa Instagram. Matagal na siya nagdi-DM sa Instagram,” kuwento ni Ivana sa kanyang YouTube vlog noong June 13.

“Sabi niya, ‘Puwede ba kita ligawan? Sunduin kita ng private jet. Tapos punta tayo ng Japan, tapos kakain tayo dun.’

“Tapos, parang ako, sa tingin mo sasama ako sa ‘yo papunta ng Japan dahil lang may jet ka? No!”

Ivana seems to have been refreshed by her self-proclaimed rich admirer.

“Ni-reject ko yun. Ang yabang! Hindi siya bongga. Mayabang. Pinakamayabang yun,” ani Ivana.

He said that a man will not be able to go through grand romantic gestures if he does not behave well.

Giit ni Ivana: “Eto lang masasabi ko, hindi porke’t may pera ka makukuha mo lahat ng gusto mo.

“Sometimes you just have to be good to people. You have to be friendly.

“Kung gusto mo makipagkaibigan, makipagkaibigan ka. Pero hindi porke’t, ‘Ay, may jet ako,’ lahat ng babae sasama sa ‘yo.”

Naiinis daw talaga si Ivana sa tuwing naalala niya ang mayaman pero mayabang na admirer niya.

Sabi pa ni Ivana, hindi siya ang tipo ng babae na masisilaw sa pera.

“Ay, boy! Ibahin mo ako. You have to make ligaw to me or you have to be friends with me.

“But hindi ako sasama sa iyo dahil lang may jet ka at kaya mo akong pakainin sa Japan.

“Boy, meron naman mga Japanese resto dito. Ay, naku! Naiinis talaga ako. Hindi siya bongga. Pinakamayabang.”

Dati nang nasabi ni Ivana na mas na-appreciate niya ang sincerity ng isang manliligaw.

Kahit nga raw sa mga kapamilya niya ay sinasabi niyang huwag siyang bilhan ng mamahaling regalo sa mga espesyal na okasyon.

“Mas gusto ko po yung simple. Dalhin mo ako sa bulalo, kwekwek.

“Pero yung yayabangan mo ako? Ay, ni-reject ko talaga,” ulit ni Ivana.

Prinangka niya ang lalaki at sinabing, “Hindi ako interesado.”

Tanong daw ng lalaki kay Ivana, “Why are you rejecting me on the spot?”

Sagot daw ni Ivana, “Kasi mayabang ka.”

Hindi raw akalain ng rich guy na iyon na mababasted ito.

Dugtong na kuwento ni Ivana, “Sabi niya, ako pa lang nag-reject sa kanya. Sabi ko, ‘Nye. First time mo?’”

Ivana Alawi rejects rich stranger who wants to date her on his private jet

IVANA ON CHEATERS

Matagal nang single si Ivana dahil natuto na raw siya sa heartbreaks na dinanas sa dalawa niyang ex-boyfriends.

Pareho raw manloloko ang nakarelasyon niyang mga iyon.

Sa kanyang latest vlog, may nagtanong kay Ivana kung bakit mayroong mga manloloko.

Sagot ni Ivana, “Alam mo, tanong ko rin iyan, e. Hindi ko masasagot kasi hindi pa ako nagloloko ever, sa relasyon.

“Sa relasyon, never pa ako nagloko or nag-two-time.

“Kasi ako, pag nag-commit sa isang relasyon, as in sa kanya lang. I belong to you, and you belong to me.”

Siniguro ni Ivana na siya ang tipo ng faithful girlfriend.

“And hindi ako makikipag-text sa lalaki, hindi ako makikipaglandian. Hindi ako makikipag-DM. At open ako, ‘Oy, nag-DM sa ganito.’”

Ivana Alawi rejects rich stranger who wants to date her on his private jet

CAREER OVER LOVE?

Sakaling matagpuan daw ni Ivana ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso, handa raw siyang ipaglaban ito.

Noon lamang February 7, 2020 pumirma si Ivana ng two-year exclusive contract sa ABS-CBN, at nakatakdang pagbidahan ang teleseryeng Ang Lihim Ni Ligaya.

Ayon kay Ivana, hindi magiging hadlang ang kanyang showbiz career sa love life niya.

“Hindi ako yung taong sasabihin ko, ‘Ay, iiwan kita kasi kailangan ko magtrabaho.’ No, guys.

“Pag ako nagmahal, lahat-lahat ibinibigay ko. Without any limits ako magmahal.

“Ano ba yung no limits? It means to the max.

“Kung may hanggang langit, hanggang langit talaga magmamahal.”

What can you say about Ivana Alawi rejects date her on his private jet? Share thought below in the comment section.

For more update – Join us on Social Media – @Facebook @Twitter

Related posts